Trak-trak ng basura hinakot sa Luneta
January 2, 2013 | 12:46pm
MANILA, Philippines - Nag-iwan ng 40 trak ng basura ang mga taong sumalubong sa Bagong Taon sa Rizal Park sa Maynila na sinubukang linisin ng mga awtoridad ngayong Miyerkules.
Ayon kay Kenneth Montegrande, tagapagsalita ng National Park Development Committee, sa kabila ng panawagan ay matinding kalat pa rin ang iniwan ng mga bisita ng Rizal Park (dating Luneta Park).
Ngunit kahit marami ang nakuhang basura ay malaki naman ang ibinaba nito kumpara noong nakaraang taon na umabot sa 80 trak.
Dagdag ni Montegrande, may 2,000 katao ang bumisita sa parke mula noong Disyembre 26.
Sa isang press briefing noong Martes, hinimok ni Presidential Spokesperson Edwin Lacierda ang publiko na tulungan ang Metropolitan Manila Development Authority at mga lokal na gobyerno na linisin ang kapaligiran.
“Let us clean up our own environment and our own places and to make it very clear that we are just as environmentally conscious as the others. Let’s keep our streets clean, let’s keep our streets safe,” sabi ni Lacierda.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest