Libreng sakay sa LRT1 at LRT2 sa Rizal Day
December 28, 2012 | 1:54pm
MANILA, Philippines – Libreng sakay ang hatid ng Light Railway Transit Authority (LRTA) sa mga pasahero sa araw ng pambansang bayani na si Jose Rizal sa Disyembre 30.
Sinabi ng tagapagsalita ng LRTA na si Hernando Cabrera na ang libreng sakay LRT 1 at LRT 2 magaganap 7:00 hanggang 9:00 ng umaga at 5:00 ng hapon hanggang 7:00 ng gabi.
Pinagdudugtong ng LRT1 mula Roosevelt sa Quezon City hanggang Baclaran sa Parañaque City, habang ang LRT2 ay mula C.M. Recto Avenue hanggang Marcos Highway sa Santolan, Pasig City.
Samantala, ipinaalala naman ng LRTA na patuloy ang “no inspection, no ride” na patakaran upang matiyak ang seguridad sa mga tren.
Sa darating na Disyembre 30 rin gugunitain ang ika-12 anibersaryo ng Rizal Day bombing na naganap noon taong 2000.
Limang bomba ang sunud-sunod na pinasabog ng mga terorista sa iba't ibang parte ng Kalakhang Maynila, kabilang ang isang LRT coach sa Blumentrit Station sa Maynila.
"Please bear with whatever inconvenience that the required security checks at the stations may bring you. This is for everybody’s safety," sabi ni Cabrera.
Ayon sa LRTA ay umaabot sa 750,000 kada araw ang sumasakay sa LRT1 at LRT2.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended