^

Balita Ngayon

Sky lantern delikado - BFP

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines – Balak ng Bureau of Fire Protection (BFP) na imungkahi ang pagbabawal sa paggamit ng sky lanterns na maaari umanong pagsimulan ng sunog.
 
"The Bureau of Fire Protection is discouraging the use of sky lanterns because it is very dangerous," sabi ni Chief Superintendent Santiago Laguna, hepe ng BFP National Capital Region, sa isang panayam sa radyo.
 
Aminado si Laguna na hindi pa kaya ng BFP na pigilan ang pagkalat ng mga sky lantern sa bansa dahil wala pang umiiral na batas na nagbabawal ng pagbibili nito.
 
May mga inisyal na ulat na ang sky lantern ang naging sanhi ng sunog na tumupok sa isang hilere ng mga apartment sa Agustin Street, Barangay Bungad, Quezon City noong Araw ng Pasko na ikinasawi ng pitong katao.
 
Ayon kay Laguna, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na ang paggamit ng “jumper” at overloading ng kuryente ang mga posibleng dahilan ng naturang sunog.
 
Samantala, pinaigting na ng BFP ang pagmamanman sa buong Metro Manila at iba pang mga lugar sa bansa upang maiwasan na may maganap na sunog dahil sa mga paputok.
 
Sa tala ng Department of Health, umabot na sa 107 katao ang nasugatan dahil sa papautok, at isa ang tinamaan ng ligaw na bahala.

vuukle comment

AGUSTIN STREET

BARANGAY BUNGAD

BUREAU OF FIRE PROTECTION

CHIEF SUPERINTENDENT SANTIAGO LAGUNA

DEPARTMENT OF HEALTH

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with