^

Balita Ngayon

Pamimigay ng Noche Buena packs patuloy - DSWD

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patuloy ang pamimigay ng "Noche Buena" packs kahit lumipas na ang araw ng Pasko sa 7,000 pang pamilya na binayo ng bagyong Pablo sa Compostela Valley, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon kay Priscilla Razon, direktor ng lokal na sangay ng DSWD sa Davao, na magpapatuloy ang relief efforts para sa mga naapektuhan hanggang Biyernes. Aniya umabot na sa 4,500 na noche Buena packs ang naipamigay ng kanilang grupo sa sa Cateel, Davao Oriental.

Umabot naman sa 10,000 relief packs ang dumating na sa mga nasalanta ng bagyo sa Davao Oriental at Compostela Valley noong nakaraang linggo, sabi ni Razon.

Aniya, nagsimula noong Disyembre 8 ang pamimigay ng relief packs at umabot na sa 200,000 ang kanilang naipamigay.

Sinabi ng ahensya na maayos ang pamimigay nila ng mga relief packs dahil sa paggamit ng family-acess cards.

“These cards will record the frequency they receive the relief packs. We have to indicate the date they received the packs with their signature and the countersignature of the social worker," paliwanag ni Razon.

ANIYA

AYON

BIYERNES

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO ORIENTAL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

NOCHE BUENA

PACKS

PRISCILLA RAZON

RAZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with