'Katakawan sa lechon puwedeng mauwi sa atake sa puso'
MANILA, Philippines – Nagbabala ang Department of Health (DOH) ngayong Huwebes na iwasan ng mga tao ang sobrang pagkain ng lechon.
"If one must eat lechon, he or she must bear in mind some important dietary reminders, which include eating less port, using a small plane when eating, including vegetables in the diet, especially those rich in carbohydrates and protein and drinking lots of water," sabi ng DOH sakanilang website.
Umabot na sa 150 lechon ang naibenta na lechon sa La Loma, Quezon City, ang tinaguriang lechon capital ng bansa.
Sinabi ni DOH Assistant Secretary Eric Tayag sa isang panayam sa radyo na bukod sa paputok, dapat ding iwasan ng mga Pinoy ang sobrang pagkain ng lechon at iba pang lutong may sangkap na baboy.
Lalong pinag-iingat ng DOH ay ang mga taong matataba upang makaiwas sa mas malalang medical disorder gaya ng sakit sa puso at diabetes.
Ani Tayag, dapat ay magkaroon ng balanced diet ang mga Filipino ngayong Kapaskuhan. Sa halip na puro karne ng baboy ang ihayin sa hapag kainan ay kailangang haluan din ito ng gulay at prutas.
- Latest
- Trending