^

Balita Ngayon

Tax evasion case sinagot na ni Corona

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sinagot ng napatalsik na Supreme Court Chief Justice na si Renato Corona ngayong Biyernes ang P120 milyon tax evasion case na isinampa laban sa kanya ng Bureau of Internal Revenue (BIR).

Kasama ng kanyang asawang si Cristina at abogadong si Anacleto Diaz, humarap si Corona sa Department of Justice at personal na sinagot ang mga paratang sa kanya.

Sa isang panayam, sinabi ni Corona na ang reklamo sa kanya ng BIR ay bahagi ng walang katapusang “double counting” ng magkaparehong account at propaganda ng kasalukuang administrasyon laban sa kanya.

Tumanggi naman si Corona na magbigay ng mensahe para sa Korte Suprema na pinamumunuan na ngayon ni Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Iniurong ngayong araw ang pagdinig sa DOJ matapos hindi nakadalo si Corona dahil sa trangkaso noong Martes.

Ang naturang kaso ay isinampa ng BIR dahil sa  umano'y kabiguan ni Corona na ideklara ang lahat ng kanyang ari-arian sa Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) noong siya ay mahistrado pa.

Idiniin ng Senado si Corona sa impeachment trial tungkol sa parehong kaso noong Mayo.

ANACLETO DIAZ

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

CHIEF JUSTICE MA

CORONA

DEPARTMENT OF JUSTICE

KORTE SUPREMA

LIABILITIES AND NET

LOURDES SERENO

RENATO CORONA

STATEMENT OF ASSETS

SUPREME COURT CHIEF JUSTICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with