Manhunt iniutos ni Roxas vs. tricycle driver na rapist
MANILA, Philippines – Iniutos ni Interior Secretary Mar Roxas ngayong Biyernes sa ang pagtugis sa isang lalaking sangkot sa panghahalay at tangkang pumatay sa isang 19-anyos na babaeng mag-aaral sa Roxas City.
"I have instructed the Capiz Provincial Police Office to set aside festivities for now and devote all the personnel they can to arrest the suspect," sabi ni Roxas.
Ayon sa mga ulat, pinagsamantalahan muna ng mga suspek ang dalaga bago pinagsasaksak ng 21 beses noong Miyerkules. Patungo ang biktima sa Baranggay Lawaan sa naturang siyudad nang umatake ang salarin.
Sa kabila ng maraming saksak sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan, himalang nabuhay ang dalaga at ngayon ay nagpapagaling na sa isang ospital sa probinsya ng Capiz.
Ayon sa pulisya, sumakay ang biktima sa isang kolorum na tricycle pauwi sa kanilang bahay noong Miyerkules.
Bukod sa drayber, may sakay na isa pang lalaki ang tricycle. Nagdeklara ng holdap ang mga suspek at kinuha ang mga gamit ng dalaga. Hindi pa nakuntento, dinala ng dalawang lalaki ang babae sa isang tagong lugar at doon halinhinang pinagsamatalahan ang biktima.
Matapos ilang ulit pagsasaksakin, iniwanan ng mga suspek ang dalaga na inakala nilang patay na.
Natagpuan ang biktima ng isa pang tricycle driver ang at kaagad isinugod sa ospital.
Naaresto ng Capiz police ang isa sa mga suspek na si Jessie dela Cruz, 30, ng Punta Tabuk, Roxas City. Patuloy pa rin ang paghahanap sa nakatakas na tricycle driver.
Iniutos ni Roxas ang paglabas pa ng mas maraming pulis sa mga baranggay upang mapalakas ang police visibility at upang mabilis na maaresto ang tricycle driver.
Iniutos na rin ng kalihim sa lokal na pulisya sa Capiz ang mas matinding kampanya laban sa mga kolorum na tricycle drivers upang matiyak na hindi na magkakaroon ng kagayang insidente. Dennis Carcamo
- Latest
- Trending