^

Balita Ngayon

60-anyos kinatay ng magkapatid sa Benguet

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Halos katayin ng magkapatid ang kainuman nilang 60-anyos na matanda sa Tuba, Benguet nitong Huwebes.

Patay sa 13 taga sa katawan ang biktimang si Wilfrdo villaruz, residente ng Dontogan, Baguio City.

Arestado naman ang magkapatid na pumaslang kay Villaruz na nakilalang sina Manuel Mendoza Cadiz, 27 at nakababatang kapatid na si Gilbert, 23.

Ayon sa mga pulis, agad tumakas ang mga suspek matapos brutal na paslangin ang kanilang kainumang matanda.

Nakainitan umano ng matanda ang magkapatid na Cadiz habang nag-iinuman sila noong Huwebes sa Sitio Asinan, Taloy Sur sa bayan din ng Benguet.

Dahil sa init ng pagtatalo, pinagtulungan ng magkapatid na tagain ang matandang kainuman hanggang sa mamatay ito.

Lumalabas pa sa imbestigasyon na halinhinan pa ang magkapatid sa pagtaga sa matanda. Artemio Dumlao

vuukle comment

ARESTADO

ARTEMIO DUMLAO

AYON

BAGUIO CITY

BENGUET

CADIZ

HUWEBES

MANUEL MENDOZA CADIZ

SITIO ASINAN

TALOY SUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with