2013 budget pinirmahan ni Aquino
MANILA, Philippines – Pinirmahan ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong Miyerkules ang pinakamalaking national budget na gagastusin ng gobyerno para sa susunod na taon.
Tinawag na “empowerment budget,’ sinabi ng Pangulo na ang Republic Act 10352 ay idinesenyo upang bigyan ang mamamayan ng kapangyarihan na tumanggap ng serbisyo mula sa mga ahensya ng gobyerno.
"The annual budget is an instrument to institutionalize accountability," sabi ni Aquino matapos lagdaan ang P2.006 trilyon na pondo sa Malacañang.
Ang Department of Education ang makakatanggap ng pinakamalaking parte ng pondo para sa 2013 na aabot sa P293.32 bilyon.
Ayon pa kay Aquino, layunin ng pondo na mapalakas ang mga sektor ng agrikultura, turismo, edukasyon, kalusugan, panlipunang serbisyo, sa pamamagitan ng conditional cash transfer program.
"There is nothing impossible when you have the public's interest at heart," sabi pa ng Pangulo na ibinida din na sa unang pagkakataon sa loob ng pitong taon ay wala ni isang probisyon sa panukala ang ginamitan ng veto.
Sinabi pa niya na maraming sektor ang kinunsulta habang ginagawa ang national budget upang maraming makalahok sa proseso.
"The result is a national budget that reflects the need of sectors and citizens," sabi ni Aquino. Jovan Cerda
- Latest
- Trending