^

Balita Ngayon

EO para sa Bangsamoro transition body inilabas ni PNoy

The Philippine Star

MANILA, Philippines - Binuo ni Pangulong Benigno Aquino III ngayong martes sa pamamagitan ng Executive Order No. 120 ang Transition Commission (TC) na siyang bubuo ng panukalang Bangsamoro Basic Law base kaugnay ng Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) ng gobyerno at ng Moro Islamic Liberation Front.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process na si Teresita Deles na ang EO 120 ay bahagi ng plano ng Pangulong Aquino upang maitulak ang pakikipag-ayos ng gobyerno sa MILF.

Ang TC ang titingin sa pagsasaayos ng bagong autonomous political entity upang palitan ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa pamamagitan ng Bangsamoro Basic Law.

Sabi pa ni Deles na ang EO 120 ay magbibigay-daan sa demokratikong paraan ng paggawa ng mga panukala o ang pagbibigay sa lahat ng mga stakeholders ng pagkakataon na makilahok sa Mindanao peace process.

Ayon sa EO, 15 tao ang papangalanan bilang miyembro ng komisyon.

Magbibigay ng listahan ng mga kandidato upang maging miyembro ng komisyon ang gobyerno at Moro Islamic Liberation Front (MILF). Ang mga magiging kandidato ay dapat mula sa sektor ng Bangsamoro at residente ng lugar na makakasama sa bagong political entity.

Dapat ay magtayo rin ng opisina ang komisyon at makipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno at Kongreso.

Naglabas ng inisyal na pondo ang gobyerno na P100 milyon para sa operasyon ng komisyon.

Ayon pa sa EO 120, ang komisyon ay maaaring magbigay ng mga mungkahi sa Kongreso upang maging mas mabailis ang peace process.

"The aim is to install the Bangsamoro through a new organic act as soon as possible in order to have an elected Bangsamoro government by 2016,” sabi ng chief negotiator ng gobyerno na si Miriam Coronel-Ferrer.

“This does not prevent the TC or its members from examining the constitution and recommending constitutional reforms,” dagdag niya.

“However, the President has made clear that constitutional change is not his priority during his term," sabi pa ni Ferrer.

Sinabi pa ni Deles na ang komisyon ay dapat tumulong sa pagtukoy ng mga programang pang-unlad kasama ang Bangsamoro Development Authority at Bangsamoro Leadership and Management Institute.

Sinari rin ni Deles na maaari nang magsimula ang komisyon kahit kinukumpleto pa ng gobyerno at MILF ang apat na annexes sa FAB.

AUTONOMOUS REGION

AYON

BANGSAMORO

BANGSAMORO BASIC LAW

BANGSAMORO DEVELOPMENT AUTHORITY

BANGSAMORO LEADERSHIP AND MANAGEMENT INSTITUTE

EXECUTIVE ORDER NO

FRAMEWORK AGREEMENT

GOBYERNO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with