Travel ban sa Israel at Gaza, inalis na ng DFA
MANILA, Philippines - Tinanggal na ng gobyerno ng Pilipinas ang travel ban sa Israel at Gaza matapos sumang-ayon ang gobyerno ng Israel sa tigil-putukan nila ng Hamas.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na inalis ang travel ban dahil sa bumubuti nang kondisyon ng seguridad sa Isarael at Gaza dahil sa kasunduaan ng Israel at Hamas.
Noong Nobyembre 23, naglabas ang DFA ng travel advisroy sa mga Pinoy na huwag munang bumiyahe patungong Gaza at sa gitna at timog na bahagi ng Israel dahil sa alitan ng dalawang bansa.
Ibinababa na rin ng DFA ang Alert level 2 (Restriction Phase) sa gitna at katimugang Israel at Alert level 4 (Evacuation/Mandatory Repatriation) sa Gaza. Dennis Carcamo
- Latest
- Trending