^

Balita Ngayon

Sin tax bill aprubado na sa Kongreso

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinirmahan na ngayong Martes ng umaga ng mga kinatawan ng Senado at Kamara ng mga Representante sa bicameral conference committee ang sin tax reform bill na inaasahang magdadagdag ng makukulektang buwis ng pamahalaan sa susunod na taon.

Sinabi ni Senador Franklin Drilon, acting chairman ng Senate ways and means committee, aabot sa P23.4 bilyon ang malilikom na pondo sa unang taon pa lamang ng pagpapatupad ng batas mula sa produktong tabako at P10.56 bilyon mula sa alcohol.

Habang sinusulat ang balitang ito ay nakapirma na sa bicameral committee report sina House majority leader Neptali Gonzales II at iba pang mga kongresista na sina  Henedina Abad, Jocelyn Limkaichong, Eric Singson, Luis Villafuerte at Arnulfo Fuentebella. Lumagda na rin sa report sina Drilon, Sergio Osmena III, Panfilo Lacson, at Pia Cayetano.

Ayon sa panukalang batas, bawat pakete ng sigarilyo ay papatawan ng P12 na buwis sa Enero 1, 2013; P15/pack sa 2014; P18/pack sa 2015; P21/pack sa 2016 at unitary rate na  P30/pack sa 2017.
 
Apat na porsyento pa ang itataas sa P30 kada pakete ng sigrailyo ay sisipa sa 2018 at sa mga susunod na taon.
 
Para sa mga sigarilyong pinakete ng makina, may cut off para sa net retail price (NRP) sa halagang P11.50 pababa at ang mga mas mataas na halaga sa P11.50.
 
Para sa P11.50 pababa, ang exicise tax na ipapatupad ay P12/pakete sa Enero 1, 2013: P17/pack sa  2014; P21/pack sa 2015; at P25/pack sa 2016.
 
Ang mga fermented liquors naman tulad ng mga beers ay ibabase sa NRP na P50.60 pababa sa buwis na P15/litro, at ang mas mataas sa P50.60 ay P20/litro sa 2013.
 
Sa 2014, ang mga mas mababa sa P50.60 ay papatawan ng P17/litro; P19/litro sa 2015, P21/litro sa 2016 at sa 2017 ang lahat ng mga beer ay magkakaroon ng single rate na P23.50/litro.
 
Ang mga distilled spirits naman ay may buwis na P20/proof liter at P15 ng NRP per proof liter in ad valorem tax ay ipapatupad sa Enero 1,2013. Sa 2015 ay magkakaroon ng 20 porsyentong pagtaas mula sa NRP per proof liter depende sa bote. Pagdating ng 2017 ang ad valorem taxes sa mga distilled liquor ay tatas kasabay ng pagtaas ng NRP.
 
Sa tantiya ni Drilon, 5.2 milyong Pilipino ang makikinabang mula sa kikitain ng sin tax reform. Christina Mendez

ARNULFO FUENTEBELLA

CHRISTINA MENDEZ

DRILON

ENERO

ERIC SINGSON

HENEDINA ABAD

JOCELYN LIMKAICHONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with