Libreng gamot para sa matatandang Pinoy isulong sa Kongreso
MANILA, Philippines – Makakakuha ng libreng gamot at pagpapaospital ang mga senior citizens na kinakapos at wala nang kakayahang magtrabaho kapag naisabatas ang House Bill 6682 na nasa committee level pa lamang ng mababang kapulunga ng Kongreso.
Sinabi ng may akda ng panakula na si Senior Citizens party-list Rep. Godofredo Arquiza na layunin ng House Bill 6682 na matugunan ang mga pangangailangan ng 5.8 milyong matatanda.
"It is unfortunate that at such stage, one is already hardly employable for a means of livelihood to answer for these expensive health services which is the predicament of many senior citizens," sabi ni Arquiza.
Nakasaad sa panukala na dapat bawasan ng mga pampublikong ospital ang presyo ng mga gamot at iba pang pangangailangang medikal ng matatanda. Ipinanunukala rin ni Arquiza ang libreng operasyon sa matatanda.
"While they have given so much during the prime of their lives as productive members of society, they are now left to provide for themselves," dagdag ng mambabatas.
Nakabinbin din sa population and family relations committee ang panukalang pagbubuo ng mga tirahan para sa mga homeless at abandoned senior citizens at pagbibigay ng diskwento sa mga ahensya ng gobyerno gayun din sa court fees. Camille Diola
- Latest
- Trending