2013 budget pipiliting ipasa ngayong taon
MANILA, Philippines – Tatapusin na sa Miyerkules ng bicameral conference committee ang report para sa panukalang P2.006 trilyon na pambansang pondo para sa taong 2013, ayon kay Senador Franklin Drilon ngayong Martes.
Sinabi ni Drilon, tagapangulo ng Senate Finance Committee, inaasahang pipirmahan ang final report sa panukalang pondo sa Miyerkules kapag naaayos na nila ang pagkakaiba mula sa bersyon ng mababa at mataas na kapulungan ng Kongreso.
"Once we have reconciled the contentious provisions of the appropriations bill, the bicameral conference committee will immediately submit it to both chambers for ratification,” pahayag ni Drilon.
Aniya, tinimgnan ng technical working group ang hindi mapagtugmang mga probisyon sa budget. Tinrabaho ito ng grupo noong weekend upang agarang makapaglabas ng committee report.
“We will wrap up everything this week, so that we can proceed with the printing of the enrolled bill. We expect it to be signed by the House Speaker and the Senate President by the third week of December,” sabi ni Drilon.
“We are confident that on or before December 20, the President should be able to finish reviewing the budget and sign the general appropriations bill,” dagdag ng Senador.
Ang panukalan pondo para sa 2013, na inaprubahan ng Senado noong Nobyembre 28, ay mas mataas ng 10.5 porsyento kumpara sa P1.816 trilyon na pambansang pondo ngayong taon.
Sinabi ni Drilon na ang ang pangunahing gagastusan ng gobyerno gamit ang panukalang 2013 budget ay ang mga serbisyong pampubliko, para sa pagbubukas ng mas maraming trabaho, mas maayos na edukasyon at pagpapabuti ng healthcare services. Dennis Carcamo
- Latest
- Trending