TV networks paglalagayin ng sub-title
MANILA, Philippines - Dalawang mambabatas ang naghayin ng panukala na utusan ang mga television networks na maglagay ng sub-titles o closed caption sa kanilang mga programa para sa mga manonood na may problema sa pandinig.
Sinabi nina Irwin Tieng at Mariano Michael Velarde, kapwa representante ng Buhay party-list, ang House Bill 6688 na kanilang ipinapanukala ay makakatulong hindi lamang sa mga may kapansanan kundi para na rin sa marami pang mga taong nagsasanay sa pagbabasa.
“Closed caption are text descriptions of the speech, music and sound effects of a television program. Although closed captioning provides a critical link to news, entertainment and information for individuals with hearing disabilities,” pahayag ni Tieng.
Hindi kabilang sa panukala ang mga public service announcement na hindi lalampas ng 10 minuto, mga programa tuwing madaling araw mula ika-1 ng umaga hanggang 6 ng umaga.
Dagdag pa ni Tieng, makakatulong hindi lamang sa mga may kapansanan ang sub-titles gayun din para sa mga taong nanonood ng telebisyon sa mga lugar na maiingay.
Hindi bababa sa P50,000 ang multa na hindi lalampas sa P100,000 o pagkakakulong na hindi bababa sa anim na buwan at hindi lalampas ng isang taon o parehas ang parusang ipapataw sa mga hindi susunod sakaling maging batas ang panuakala.
Kung ang makakasuhan ay isang corporation, partnership o association, ang presidente, manager, administrator o person-in-charge ng management ang mananagot. Maari din makansela ang lisensya sa pagpapatakbo ng istasyon.
Ayon sa panukala, inuutusan nito ang National Telecommunications Commission (NTC) at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa pagproklama ng mga patakaran at regulasyon at pagsasakatuparan ng batas.
- Latest
- Trending