^

Balita Ngayon

Padrino ng carnapping inabswelto ng korte

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Inabswelto ng Quezon CiInabswelto ng Quezon City court ngayong Huwebes ang inakusahang padrino ng maraming auto theft syndicate sa bansa dahil sa umano'y walang matinong ebidensya na nailabas ang mga awtoridad laban sa kanya.

Ibinasura ni Judge Eleuterio Batan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 92 ang kasong isinampa laban kay Jovel Entote dahil walang malakas na ebidensya na nailabas laban sa suspek.

Inakusahan si Entote na nagpopondo ng mga kilabot na mga sindikato ng carjacking tulad ng Dominguez, Salvatierra, Bonifacio, Onad Santiago at Baktin groups.

Naniniwala ang mga awtoridad na si Entote ang nasa likod ng pagnanakaw ng 67 sasakyan, karamihan ay sports utility vehicles, na nabawi ng Highway Patrol Group ng Philippine National Police sa probinsya ng Bohol at sa mga lungsod ng Bacolod, Cagayan de Oro, at General Santos noong nakaraang taon. Dennis Carcamo

Absuwelto rin si Entote sa kasong carjacking with homicide dahil sa pamamaslang sa isang tsuper na si Rodolfo Petalino noong Abril 2009 sa Katipunan Road sa Quezon City.

Iniutos na ng korte sa pulisya na palayain si Entote na dinakip noong Agosto 7.

vuukle comment

DENNIS CARCAMO

ENTOTE

GENERAL SANTOS

HIGHWAY PATROL GROUP

JOVEL ENTOTE

JUDGE ELEUTERIO BATAN

KATIPUNAN ROAD

ONAD SANTIAGO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with