Ekonomiya ng 'Pinas lumago pa; GDP pumalo sa 7.1 pct
MANILA, Philippines – Pumalo ang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa para sa ikatlong quarter ng taon, ayon sa National Statistical Coordination Board ngayong Miyerkules.
Mula Hunyo hanggang Setyembre ay lumago ang ekonomiya ng bansa ng 7.1 porsiyento, higit sa inaasahan na 5 hanggang 6 porsiyento.
Ang naturang pag-akyat ng GDP ay ang pinakamabilis na naitala sa lahat ng mga bansa sa Southeast Asia at pangalawa naman sa 7.4 porsiyento ng China, na nanguna sa buong East Asia.
Kahit siyam na buwan pa lamang ang nakakalipas, nakapagtala na ng 6.5 porsyento na paglago mula Enero hanggang Setyembre, kung saan nalampasan nito ang pakay na paglago ng ekonomiya na 5 hanggang 6 porsyento para sa buong taon.
- Latest
- Trending