^

Balita Ngayon

22 kilo ng marijuana nabawi sa Kalinga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isang 28-anyos na lalaki na hinihinalang isang drug courier ang naharang sa isang checkpoint sa Tabuk City, Kalinga noong nakalipas na linggo.

Lampas kalahating milyong pisong halaga ng tuyong dahon ng marijuana ang nakuha mula kay Merlyn Dangsoy Guimba nang maharang siya ng mga operatiba mula sa isang GL bus na patungong Baguio City sa Baranggay Agbannawag bandang 6:00 ng umaga noong Huwebes.

Sinabi ni Cordillera police director Chief Superintendent Benjamin Magalong, muntik nang makalusot si Guimba sa pagtatago ng 22 piraso ng tuyong bloke ng marijuana na nasa 22 kilo, pero isang impormante ang nagbigay ng impormasyon tungkol sa suspek.

Nahaharap si Guimba sa kriminal na kaso, sabi ni Magalong.

Iniutos din ni Magalong sa kanyang nasasakupan na isagawa ang kanilang anti-drug operations upang maputol ang pag-ikot ng ilegal na droga sa rehiyon.

BAGUIO CITY

BARANGGAY AGBANNAWAG

CHIEF SUPERINTENDENT BENJAMIN MAGALONG

GUIMBA

HUWEBES

INIUTOS

ISANG

KALINGA

MAGALONG

MERLYN DANGSOY GUIMBA

TABUK CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with