^

Balita Ngayon

Tiklo ang dalawang kilabot na magnanakaw ng motorsiklo na sinasabing kabilang sa malaking sindikato na nag-ooperate sa Central Mindanao, ayon sa mga pulis.

Pilipino Star Ngayon

 

MANILA, Philippines – Tiklo ang dalawang kilabot na magnanakaw ng motorsiklo na sinasabing kabilang sa malaking sindikato na nag-ooperate sa Central Mindanao, ayon sa mga pulis.

Ayon kay Senior Inspector Elias Dandan, hepe ng pulisya sa Pikit, North Cotabato, naaresto ang mga suspek na sina Kautin Tacucu, Unting Pangilamen sa kanilang kuta sa Barangay Manaulanan noong Martes.

Kinumpirma ng mga pulis at sundalo na lampas sa 50 motorsiklo na ang nanakaw ng mga suspek sa North Cotabato at Maguindanao simula noong 2011.

Naaresto ang dalawa habang binabaklas ang parte ng bagong nakaw nilang motorsiklo sa kanilang kuta.

Nabawi rin ng mga awtoridad mula sa suspek ang apat pang nakaw na motorsiklo.

Inaalam pa rin ng pulisya kung may kinalaman ang dalawang suspek sa drug trafficking at highway robbery sina Tacucu at Pangilamen. John Unson

AYON

BARANGAY MANAULANAN

CENTRAL MINDANAO

INAALAM

JOHN UNSON

KAUTIN TACUCU

KINUMPIRMA

NORTH COTABATO

SENIOR INSPECTOR ELIAS DANDAN

UNTING PANGILAMEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with