10th-place finish ni Nicolas sa Czech tourney
MANILA, Philippines — Tumapos sa ika-10 puwesto si National Masters Nika Juris Nicolas sa Marienbad Open 2025 C FIDE Open 23rd International Chess Festival sa Czech Republic.
Tumabla si Nicolas sa fifth hanggang 10th place kasama sina FM Ondrej Matras ng Czech Republic (elo 2092), Dustin Kuipers ng Germany (elo 2086), Tomasz Bajer ng Poland (elo 1823), Karel Bourban ng Switzerland (elo 1797), at Milan Chmielek ng Poland (elo 1803) tangan ang tig-anim na puntos.
Subalit matapos ipatupad ang tie break ay nakopo ng Pinay chesser ang 10th spot.
Nagsulong ng apat na panalo, apat na tabla at isang talo si Nicolas ay nakakuha din siya ng 175 elo rating points sa nasabing tournament, habang si Vasiko Shapovalov ng Georgia (elo 2078) ang sumilo ng titulo sa kanyang 7.5 puntos.
Sina Jakob Engelmann ng Germany (elo 2163) at Patrik Pycha ng Czech Republic (elo 2050) ang pumangalawa hanggang ikatlong puwesto na may tig-7.0 puntos, habang si Ulf Gohla ng Germany (elo 2088) ay nasa ikaapat na may 6.5 puntos.
Nakopo rin ni 12-anyos na Grade 7 student sa Victory Christian International School sa Pasig City ang Best Woman Player at Best Player sa 1600-1699 rating category.
Noong Disyembre 29 ay nanalo siya sa 35th International Chess Festival na inilaro sa Galaxy Hotel sa Krakow, Poland.
- Latest