^

Bansa

4th impeachment vs VP Sara lalarga na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
4th impeachment vs VP Sara lalarga na
“We welcome this fourth impeachment complaint. Ang pagkakaiba nito sa mga naunang complaints ay ang substantial na suporta mula sa majority coalition members,” pahayag ni House Deputy Minority Leader France Castro.
The STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Nakabantay na ang Kamara sa posibleng paghahain ngayong araw ng ika-apat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte na iindorso ng 10-12 kongresista mula sa mayorya at minorya.

“We welcome this fourth impeachment complaint. Ang pagkakaiba nito sa mga naunang complaints ay ang substantial na suporta mula sa majority coalition members,” pahayag ni House Deputy Minority Leader France Castro.

Ang Kongreso ay kasalukuyan pang naka-recess at nakatakdang magbukas muli ang sesyon sa Lunes, Enero 13 pero kung may maghahain umano ngayon ay nakadepende ito kung mag-overtime ang tanggapan ni House Secretary General Reginald Velasco.

“We await tomorrow’s (Enero 6) filing and hope this leads to a faster processing of impeachment complaints against the Vice President. Dapat masusing suriin ang mga alegasyon at mabigyan ng hustisya ang taumbayan,” ani Castro kahapon.

Hindi pa alam kung anong sektor ang maghahain, pero ang mahalaga anya ay ang unprecedented na suporta mula sa mga kasamahan sa Kongreso,” ani Castro.

“The fact that 10-12 representatives are willing to endorse this fourth complaint suggests a possible shift in the House leadership’s stance. Para itong go-signal mula sa majority leadership,” giit naman ni dating ACT Teachers Rep. Antonio Tinio.

Sina Castro at Tinio ay bahagi ng ikalawang impeachment complaint laban kay Duterte.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with