^

PSN Palaro

POC gumabay sa Philippine sports sa 2024

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa ikalawang sunod na taon ay muling nagpakilala sa buong mundo ang mga Pinoy athletes.

At ito ay mula na rin sa solidong suporta ng Philippine Olympic (POC) sa ilalim ng pamamahala ni president Abraham ‘Bambol’ Tolentino.

Sa kabuuang 22 national athletes na ipinadala ng POC sa nakaraang ika-33 edisyon ng Olympic Games sa Paris, France ay tatlo ang nag-uwi ng medalya.

Nangunguna rito ang makasaysayang dalawang gintong medalya ni gymnast Carlos Edriel Yulo sa men’s floor exercise at vault competitions at ang tig-isang tanso nina Pinay boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas sa women’s featherweight at flyweight division, ayon sa pagkakasunod.

Minalas sa kanilang mga events sina pole vaul­ter EJ Obiena, boxers Eumir Marcial, Carlo Paalam at Hergie Bacyadan, fencer Samantha Catantan, gymnasts Aleah Finnegan at Emma Malabuyo, gol­fers Bianca Pagdanganan at Dottie Ardina, judoka Kiyomi Watanabe, rower Joanie Delgaco, swimmers Kayla Sanchez at Jarod Hatch at weightlifters John Ceniza at Elreen Ando at tracksters John Cabang at Lauren Hoffman.

Sa kabuuang 204 bansang lumahok sa Paris Olympics ay tumapos ang Pinas sa No. 37.

Wagi rin sa ilang international events ang bansa kagaya nina golfer Rianne Malixi sa US Girls Junior at US Women’s Amateur at sina billiards aces Carlo Biado sa World 10-Ball Championship at Rubilen Amit sa WPA Women’s World 9-Ball.

Kumpiyansa si Tolentino na mas marami pang medalya ang makokolekta ng mga Pinoy athletes sa mga darating na international tournaments nga­yong 2025 patungo sa 2028 Olympics sa Los Angeles, USA.

“The template’s been tried, tested and proven twice over. For this coming year, the ingredients are there, making the path to the Los Angeles Olympics in 2028 clearer and achievable,”ani Tolentino.

Sa ilalim din ng liderato ni Tolentino binuhat ni lady weightlifter Hidilyn Diaz ang kauna-unahang Olympic gold ng bansa sa Tokyo Games noong 2021.

Samantala, matapos ang Paris Games ay nakamit ng cycling federation chief ang ikalawa niyang termino makaraan talunin si Chito Loyzaga ng baseball association sa idinaos na POC elections noong Nobyembre.

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with