Jumper ni Murray naglusot sa Nuggets sa Kings
SACRAMENTO, Calif. — Isinalpak ni Jamal Murray ang isang 16-foot jumper sa huling 8.6 segundo para tulungan ang Denver Nuggets sa 130-129 pag-eskapo sa Kings.
Inilista ni Nikola Jokic ang kanyang NBA-leading na ika-10 triple-double sa kanyang 20 points, 14 rebounds at 13 assists para sa Denver (14-10).
Tumapos si Murray na may 28 points habang nagdagdag si Russell Westbrook ng 18 points, 10 assists at 9 rebounds.
Nagwakas naman ang three-game winning streak ng Sacramento (13-14) na nakahugot kay De’Aaron Fox ng 29 points at 7 assists.
Kumolekta si Domantas Sabonis ng 28 points, 14 rebounds at 6 assists habang may 25 markers si Malik Monk para sa Kings na kinuha ang 129-128 abante mula sa baseline dunk ni DeMar DeRozan.
Kasunod nito ay ang game-winner ni Murray para sa Nuggets.
Sa New York, humataw si Evan Mobley ng 21 points sa 130-101 dominasyon ng Cleveland Cavaliers (23-4) sa Brooklyn Nets (10-16).
Sa Inglewood, California, bumira si James Harden ng 41 points para ihatid ang Los Angeles Clippers (15-12) sa 144-107 paggupo sa Utah Jazz (5-20).
Sa Detroit, kumonekta si Tim Hardaway Jr. ng tatlong 3-pointers sa overtime sa 125-124 pagtakas ng Pistons (11-16) sa Miami Heat (13-11).
Sa Toronto, nagposte si Nikola Vucevic ng 24 points at may 19 markers si Coby White sa 122-121 pagdaig ng Chicago Bulls (12-15) sa Raptors (7-20).
Sa Charlotte, nagbagsak si Tyrese Maxey ng 40 points habang may 33 markers si Paul George para tulungan ang Philadelphia 76ers (8-16) sa 121-108 pananaig sa Hornets (7-19).
- Latest