^

Police Metro

VP Sara, walang planong magtago o umalis ng bansa

Mer Layson - Pang-masa
VP Sara, walang planong magtago o umalis ng bansa
Nagsagawa kahapon ng presscon si Vice President Sara Duterte sa kanyang opisina sa Mandaluyong City matapos na hindi niya siputin ang imbestigasyon ng NBI sa umano’y pagbabanta sa buhay ni Pangulong Marcos Jr., at tanging abogado lang niya ang pinadalo niya.
Michael Varcas

MANILA, Philippines — Sakaling ipag-utos ang pag-aresto bunsod ng ilang reklamong kinakaharap ay tiniyak kahapon ni Vice President Sara Duterte na wala siyang planong magtago o umalis ng bansa.

“No, I don’t plan to leave the country. I don’t plan to hide mainly because my children are here,” ayon pa kay VP Sara, sa isang pulong balitaan.

Matatandaang si VP Sara ay kasalukuyang iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na sabihing may kinausap na siyang tao na papatay kina Pang. Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Romualdez, sakaling mapatay siya.

Nagdaos kahapon ang NBI ng pagdinig sa kaso ng bise presidente, ngunit hindi ito ­dumalo dito at nagpadala na lamang sa kanyang abogado ng liham at pinabulaanang pinagbantaan niya ang buhay ng pangulo.

Nahaharap na rin naman si VP Sara sa impeachment complaints sa Kongreso.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with