^

Metro

VP Sara ‘di sinipot NBI probe, nagpadala ng sulat sa halip na affidavit

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
VP Sara âdi sinipot NBI probe, nagpadala ng sulat sa halip na affidavit
Vice President Sara Duterte held a press conference she dubbed the “Drag Me to Hell Presscon” at the Office of the Vice President in Mandaluyong City on October 18, 2024.
STAR / Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Tulad ng inaasahan, hindi dumating si Vice President Sara Duterte sa pagdinig ng National Bureau of Investigation (NBI) kahapon at nagpadala na lamang ng liham sa halip na affidavit.

Sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Paul Lim,nagpadala si Duterte ng liham na nakasaad ang dahilan ng kanyang hindi pagdalo sa imbestigasyon.

Nakasaad sa liham ni Duterte na ang NBI ay nasa ilalim ng pangangasiwa ni Justice Secretary Crispin Remulla habang si Executive Secretary Lucas Bersamin ang nagpalabas ng pahayag na agad na imbestigahan ang isyu kaya mas pinili niyang huwag nang magbigay ng paliwanag.

Ayon kay Santiago, na-waive na ang karapatan ni Duterte na maipatanggol ang kanyang sarili. Nais malaman ng NBI ang dahilan ng mga pagbabanta ni Duterte sa buhay ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta Marcos at House Spea­ker Martin Romualdez.

Gayundin, hindi naman tinanggap ng NBI ang liham bilang sworn statement bilang counter-affidavit dahil wala itong lagda ni Duterte.

“Meron lamang conformity ng ating vice president. Okay, so for us, there is no sworn statement, there is no counter-affidavit to speak of, na sinubmit si vice president,” ani Santiago.

Giit naman ni Santiago, “impartial” ang isinasagawa nilang imbestigasyon at nais lamang nilang malaman ang totoo.

Gayunman, tiniyak ni Santiago na hindi na sila magtatakda ng araw para sa pagdalo ni Duterte bagamat hinihintay pa rin nila ang kooperasyon ng bise presidente.

Kaugnay naman sa umano’y banta sa buhay ni Duterte, sinabi ng NBI na iimbestigahan din nila ito.

“She did not specify kung sinong tao ‘yung nag the-threat sa kanya, wala siyang sinamang proof, kung ano ‘yung threat na ‘yun. Binalik niya lang sa amin ‘yung sinasabi ko na we will investigate”, dagdag pa ni Santiago.

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with