^

Police Metro

VP Duterte atbp mahaharap sa iba’t ibang kaso

Joy Cantos - Pang-masa
VP Duterte atbp mahaharap sa ibaât ibang kaso
Vice President Sara Duterte on August 20, 2024.
STAR / Jesse Bustos

Sa sablay na paggamit sa confidential fund

MANILA, Philippines — Kaugnay ng sablay o irregularidad sa paggamit ng P 612.5 milyong confidential funds ay posibleng maharap sa kasong plunder, malversation, falsification, perjury at bribery si Vice President Sara Duterte kasama ang mga pinagkakatiwalaan nitong mga executives.

Ito ang inihayag ng mga lider ng Kamara at iba pang mga mambabatas na miyembro ng House Committee on Good Government and Public Accountability matapos ang ikapito at huling pagdinig  kahapon para isapinal na ang resulta ng imbestigasyon.

Tinukoy nina Assistant Majority Leader at Ako Bicol Partylist Rep. Jil Bongalon, Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop, Batangas Rep. Gerville Luistro at Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel ang  nasabing mga kasong maaring harapin ng  mga opisyal ng Office of the Vice President at ng DepEd sa ilalim ng panunungkulan ni VP Sara.

Ayon kay Acop pasok sa kasong plunder ang bigat ng sablay na paggamit sa confidential funds ng tanggapan ni VP Sara at maging sa DepEd na dati nitong pinamumunuan.

Sinabi naman ni Bongalon ang bigat ng mga krimen na kinasangkutan ng OVP at DepEd kabilang na aniya dito ang technical malversation sa ilalim ng Revised Penal Code.

Sa imbestigasyon, nabuking sa Special Disbursing Officers (SDOs) na sina Gina Acosta ng OVP at Edward Fajarda ng DepED ay humawak sila ng milyon-milyong halaga ng confidential funds sa kabila ng walang malinaw na dokumentasyon.

SARA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with