Marcos, House solons nag-‘fellowship’ sa Malacañang
MANILA, Philippines — Nagpulong sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr at ang mga kongresista sa Malakanyang.
Nilinaw naman ng Presidential Communications Office (PCO) na isang fellowship lang ang nasabing pagpupulong at matagal na itong naka-schedule.
“The gathering is meant to be a fellowship between the Office of the President and members of the House of Representatives which was already scheduled some time ago. The event is for close in coverage only,” sinabi ng PCO.
Sa kabila nito hindi naman tinukoy ng PCO kung pinag-usapan ni Pangulong Marcos at ng mga kongresista ang nakahaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Marcos na hindi niya susuportahan ang impeachment complaint laban kay Duterte.
Bukod dito, sinabi ni Pangulong Marcos na pagsasayang lamang ng oras ang pagpapatalsik sa puwesto kay Duterte.
Hindi rin aniya makatutulong para umangat ang buhay ng isang Filipino ang impeachment complaint laban kay Duterte.
- Latest