^

Bansa

Muslim employees bigyan ng prayer breaks – Tulfo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Muslim employees bigyan ng prayer breaks � Tulfo
Photo of ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo
The STAR / KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nais ni ACT-CIS Representative at senatorial candidate Erwin Tulfo na bigyan ang mga Muslim employees ng prayer breaks sa kanilang mga pinatatrabahuan.

Ayon kay Cong. Tulfo, “sa Islam ay limang beses kailangan magdasal ang mga kapatid nating Muslim sa isang araw”.

“Dalawa rito ay mahahagip sa oras ng paggawa tulad ng ‘Dhuhr’ na isinasagawa bandang tanghali na pag-alala kay Allah at paghingi ng direskyson sa kanya, habang ang ‘Asr’ ay bandang hapon naman bilang pag-alala pa rin kay Allah at pagmumuni sa kanilang buhay kung ito ba ay naaayon pa rin sa kagustuhan ni Allah,” paliwanag ni Tulfo.

Aniya, kadalasan nahihiya na magpaalam ang mga kapatid nating Muslim sa employer o boss nila ng 10 to 15-minute break.

Dahil dito, maghahain ng isang panukalang batas si Tulfo pagbukas muli ng Kongreso sa ­Hunyo para mabigyan ng dalawang prayer breaks ang mga Muslim workers sa kanilang trabaho mapa-pribado man o gobyerno, sa loob ng walong oras na paggawa.

ACT

CIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->