Pangongotong pinaaaksiyunan ni Abalos
MANILA, Philippines — Pinaaaksiyunan ni dating Interior Secretary at senatorial candidate Benhur Abalos, Jr. ang pangongotong at panghihingi ng pera upang bumilis ang pagpasok ng mga mamumuhunan sa bansa.
Batay sa ulat ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), mahigit 16,000 reklamo laban sa red tape at katiwalian ang natanggap noong nakaraang taon.
Karamihan sa mga reklamo ay may kinalaman sa delay ng business permits at harassment mula sa ilang tiwaling opisyal.
“Huliin ang mga nanghihingi ng pera…Let’s create an environment that’s business-friendly. Digital portals, online applications, mabilis ang processing time. Huliin ang mga nanghihingi ng pera. These things go together,” pahayag ng dating kalihim.
Ayon kay Abalos, kung gusto nating dumami ang negosyante at namumuhunan sa bansa at lumago ang ekonomiya, kailangang buwagin ang kultura ng korapsyon at red tape sa pamahalaan.
Ipinagmalaki ni Abalos na noong Mayor pa siya ng Mandaluyong ay pinadali niya ang proseso ng pagkuha ng business permits at computerization na ang mga proseso sa Mandaluyong.
- Latest