^

Bansa

Eroplano, helicopter ng US Army nagsalpukan sa ere

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsalpukan ang Black Hawk helicopter ng United States Army at isang pampasaherong eroplano ng American Airlines sa himpapawid malapit sa Reagan Washington National Airport noong Miyerkules ng gabi.

Ang eroplano, PSA Airlines Flight 5342 na mula Wichita, Kansas na nakabanggaan ng Black Hawk helicopter ay kayang magsakay ng 65 pasahero, ayon sa US Federal Aviation Administration (FAA)

Napaulat na may mga nasawi sa insidente pero hindi pa tiyak kung ilan.

Kinumpirma rin ng US Army na isa sa kanilang mga helicopter ang sangkot sa insidente.

Nagpapatuloy ang search and rescue operation sa Ilog Potomac.

Pansamantalang ipinahinto ang mga paglipad at paglapag ng mga eroplano sa Reagan Washington National Airport.

Iniimbestigahan na rin ng National Transportation Safety Board ang insidente.

Samantala, walang Pinoy na naiulat na nasaktan sa air collision ayon sa embahada ng Pilipinas sa Washington D.C. nitong Huwebes (oras sa Maynila).

“Authorities are currently undertaking search and rescue operations. The White House has confirmed that a military helicopter collided with a commercial jet,” pahayag ng Philippine Embassy.

Sinabi rin ng Phl Embassy na mahigpit nilang binabantayan ang insidente ng aviation.

UNITED STATES ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with