^

Bansa

Marcos sinertipikahang ‘urgent’ pagpapaliban ng BARMM elections

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Marcos sinertipikahang ‘urgent’ pagpapaliban ng BARMM elections
President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at the Malacañang on December 3, 2024.
STAR/ Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Sinertipikahan bilang urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang magpapaliban sa halalan sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) Acting Secretary Cesar Chavez sa mga mamamahayag nang tanungin tungkol sa pahayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Ayon naman sa tanggapan ng Executive Secretary, ang bersyon ng Senado ang sinertipikahang urgent ng Pangulo.

Sa bersyon ng Senado na kasalukuyang nasa ikalawang pagbasa, ay nagmumungkahi na ipagpaliban ang halalan sa BARMM mula Mayo 11, 2025, hanggang Agosto 11, 2025.

Samantala ang panukalang batas na inaprubahan sa ikatlong pagbasa sa Kamara ay nagmumungkahi na ipagpaliban ang halalan hanggang Mayo 2026. Ayon naman kay Escudero, napag-usapan na niya ang sertipikasyon ng panukalang batas bilang “urgent” kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.

Balak din aniya ng Senado na ipasa ang batas sa ikatlong pagbasa sa susunod na linggo at maaaring amyendahan ang bersyon ng Senado upang ipagpaliban ang halalan.

FERDINAND MARCOS JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with