DOTr: Speed limiter sa bus, truck ipatutupad na

Motorists experienced heavy traffic along EDSA near Kamuning on December 6, 2024 afternoon.
Michael Varcas / The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Gagawin na umanong mandatory ang pagkakabit ng speed limiter device sa mga pampasaherong bus at mga truck upang maiwasan ang mga disgrasya sa kalye.

Nabatid na ito ay alinsunod sa Road Speed Limiter Act o Republic Act No. 10916 na matagal nang naisabatas at plano nang ipatupad ng DOTr.

Ayon sa DOTr, sa ilalim ng naturang batas, ­oobligahin ang mga bus at mga truck na magkabit ng speeed limiter device.

Ito’y upang malimitahan sa 90 kilometro kada oras ang maximum speed ng mga naturang behikulo.

Tiniyak naman ng DOTr na bago tuluyang ipatupad, magsasagawa sila ng konsultasyon sa mga stakeholders hinggil dito.

Show comments