^

Bansa

AFP: Chinese spy ang nasakote sa Makati raid

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanindigan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na isang espiya na sangkot sa illegal na surveillance operations ang isang Chinese national na nasakote kasama ang mga kasabwat nitong Pinoy sa operasyon sa lungsod ng Makati noong nakalipas na linggo.

“He is engaged in unauthorized foreign intelligence surveillance and reconnaissance activity,” pahayag ni AFP Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla.

Ginawa ni Padilla ang pahayag upang pasinungalingan ang sinabi ni Deng Yuanquing, misis ng nasakoteng pinaghihinalaang espiya na si Deng, 39, na mali umano ang paratang ng mga awtoridad na espiya ang kaniyang mister.

Si Deng at dalawa nitong kasamahang Pinoy ay nasakote sa Makati City ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation, AFP at PNP. Nasamsam din sa mga suspek ang mga kagamitan na ginagamit sa pagsasagawa ng ­casing sa mga military camps at iba pang pangunahing imprastraktura.

“So the servers contain maps of critical infrastructures, salient features like military camps. So, what would they be doing with the data on military camps and PNP (Philippine National Police) camps, and critical infrastructures,” ayon kay Padilla.

Binigyang diin ni Padilla na nakapokus sila sa imbestigasyon dahil isa itong usapin ng pambansang seguridad.

Bunga ng insidente ay ipinag-utos na rin ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang paghihigpit sa mga sibilyan na papasok sa mga military camps upang maiwasang makalusot ang mga nage-espiya.

AFP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with