^

Bansa

Pasig City gagawing Smart City

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Upang makapamuhay ng mas maayos ang mga residente ay nangako ang nangungunang kandidato sa pagka-alkalde ng Pasig na si Sara Discaya, na gagawing Smart City ang Pasig City.

Para maisakatuparan ang pagiging isang ‘smart, green at sustainable city’ na may ultimate goal na paghusayin ang urban quality ng pamumuhay ng bawat Pasiguenos. Nabatid na bisyon ni Discaya, na pinakamalapit na katunggali sa halalan ni incumbent Pasig Mayor Vico Sotto, na hindi lamang gawing isang modern urban city ang lungsod, kundi isang “smart city” na makaaabot sa bawat komunidad, partikular na ang mahihirap na pamilyang naninirahan sa Pasig.

Kabilang umano sa kanyang priority projects, sakaling palaring maging top executive ng lungsod, na makapagkaloob ng isang ‘seamless broadband’ at ‘Wi-Fi coverage.’

Plano rin niyang magpatayo ng bagong pagamutan para sa mahihirap, ibalik ang “yellow health card” schemes para sa easy access sa pangangailangang medikal at medisina at iprayoridad ang edukasyon.

Binigyang-diin ni Discaya na ang development challenges ng lungsod ay kailangang resolbahin, gayundin ang mga major urban problems, gaya ng overpopulation, land use, waste at traffic management, air pollution at mga pagbaha.

CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with