Bong Go: Free Legal Assistance sa militar, unipormado aprub sa Senado
MANILA, Philippines — Inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang Senate Bill No. 2814, o ang Free Legal Assistance for Military and Uniformed Personnel Act.
Bilang punong may-akda at vice chairperson ng committee on national defense, pinasalamatan ni Senator Christopher “Bong” Go ang kanyang mga kasamahan sa pagsuporta sa panukalang batas.
Layon nitong magbigay ng libreng legal na tulong sa militar at uniformed personnel na nahaharap sa mga legal na hamon sa pagganap sa tungkulin.
Binigyang-diin ni Senator Go na bago pa siya naging senador ay matagal na siyang sumusuporta sa militar, pulis at iba pang unipormadong tauhan.
Binanggit niya ang pagtaas ng sahod ng mga unipormadong tauhan noong administrasyong Duterte bilang halimbawa ng kanyang pangako.
“Our military and uniformed personnel face countless risks in the line of duty, often in hostile and life-threatening environments,” ani Senator Go.
Idiniin ng senador na ang panukalang batas ay bilang pagkilala ng gobyerno sa mga natatanging hamon na kinakaharap ng militar at unipormadong tauhan at pangangalaga sa kanilang mga karapatan at kapakanan.
- Latest