24 Pinoy dineport ng US
MANILA, Philippines — x
Sa panayam ng DZBB nitong Linggo, Enero 26, sinabi ni Philippine Ambassador to the US Jose Romualdez na ang mga na-deport na Pilipino ay sangkot umano sa mga gawaing kriminal.
“Meron silang, hindi naman very serious crimes, pero they were involved in some criminal activity. Na-deport na sila, parang 24,” ani Romualdez.
Sa isang panayam noong Enero 20, sinabi ni Romualdez, na binanggit ng gobyerno ng US, na ang mga immigrants na may mga kriminal na rekord, kasama ang 1.3 milyong immigrants na naproseso na, ay uunahin para sa deportasyon.
Ito ay matapos ang muling halalan ni US President Donald Trump, na nangakong magpapataw ng mas mahigpit na batas laban sa mga iligal na immigrants.
Matatandaan din na nangako siya ng mass deportation ng mga illegal alien sa tulong ng militar.
Ayon sa 2022 data mula sa US Department of Homeland Security, mayroong 350,000 illegal immigrants mula sa Pilipinas.
Panglima ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming iligal na immigrants, kasunod ang Honduras na may 560,000.
- Latest