^

Bansa

Palawan, Basilan inalerto sa ‘lason’ ng China rocket

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Palawan, Basilan inalerto sa ‘lason’ ng China rocket
This undated image shows Kayangan Lake, Coron, Palawan, Philippines
Image by Giuliano Gabella (@ggabella91) via Unsplash

MANILA, Philippines — Inalerto ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) ang mga lokal na opisyal at mga residente ng Palawan at Basilan na mag-ingat kaugnay ng nakalalasong mga kemikal sa isasagawang Long March 8A rocket launch ng China.

Sa inisyung memorandum ni Director Cesar Idio, Officer-in-Charge ng Office of Civil Defense Deputy Administrator for Operations, base sa direktiba ni NDRRMC Executive Director Undersecretary Ariel Nepomuceno na, lahat ng mga kinauukulang ahensiya ay ipinatitiyak ang kaligtasan ng lahat sa mga apektadong coastal areas.

Base sa report ang Wenchang Spacecraft Launch Site sa Hainan, maglulunsad ng rocket launch dakong 5:53 ng gabi na susundan bandang 6:42 ng gabi, araw ng Sabado (Enero 25). Ang debris ng nasabing mga rocket ay inaasahang lulutang sa karagatan at delikadong pulutin ng mga mangingisda at mga residente sa lugar.

Sa advisory ay tinukoy ang Drop Zone 1 85 nautical miles mula Rozul (Iroquois) Reef sa West Philippine Sea, na bahagi ng Philippines’ exclusive economic zone (EEZ), habang ang Drop Zone 2 ay 40 nautical miles mula Puerto Princesa sa Palawan. Ang third zone, Drop Zone 3, ay nasa 33 nautical miles mula Hadji Muhtamad, Basilan.

Kasabay nito, nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSa) na huwag pupulutin ang anumang debris ng rocket dahil posibleng naglalaman ito ng toxic substance tulad ng rocket fuel.

NDRRMC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with