MANILA, Philippines — Nakamit ni dating Senador Bam Aquino ang pinakamalaking pagtaas sa percentage points sa tracking ng Pinasurvey noong Disyembre.
Dahil sa ratsadang ito ni Aquino, umakyat siya sa tabla para sa pang-anim hanggang pang-13 puwesto
Ayon kay Rolland Ramirez, Managing Director ng Insightspedia, Inc., ang kumpanya sa likod ng Pinasurvey, tumaas ng limang puntos ang percentage points ni Aquino, na siyang pinakamataas sa mga kandidatong katabla niya sa posisyon.
Nagpapakita anya ito na mayroon nang momentum si Aquino at ang kanyang totoong puwesto sa survey ay nasa itaas na bahagi ng 6th-13th spots.
Sinabi rin ni Ramirez na habang halos sigurado na ang apat na nangungunang kandidato sa pagka-senador, “wide open” pa rin ang karera para sa mga nalalabing puwesto.
Bukod sa Pinasurvey, pasok din si Aquino sa Magic 12 ng mga nakalipas na survey ng Publicus Asia at Tangere.
Kapag nakabalik sa Senado, isusulong ni Aquino ang dagdag na pondo para sa edukasyon at paglikha ng trabaho.