CEBU CITY, Philippines — Sinimulan na ni Special Assistant to the President Secretary Anton Lagdameo ang pagsasama-sama sa political support bago ang 2025 midterm elections sa Sinulog Festival sa lungsod na ito.
Kinatawan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Lagdameo ay nakipagpulong sa key lawmakers at government candidates mula sa lahat ng bahagi ng bansa, na inaasahan niyang hudyat ng pagkakaisa para sa mga kandidato ng administrasyon.
“It is important to have a unified call with other political players, especially as the country faces political divisions. Unity is key to ensuring that we continue to move forward as a nation,” ani Lagdameo.
Sa pagsisimula sa Sinulog Festival, na umaakit ng milyon-milyong Pinoy at key political players kada taon, sinabi ni Lagdameo na nagkaroon din siya ng pagkakataon na iparating ang layunin ng administrasyon na makamit ang pagkakaisa at kasaganaan.
Si Lagdameo ay naki-pag-usap sa iba’t ibang politiko, tinasahan ang kanilang local situations at sinuportahan sila sa ilalim ng nagkakaisang layunin, ilang linggo bago ang simula ng campaign period.