^

Bansa

60 porsyento ng tawag sa 911, prank calls - DILG

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang 60% ng mga natatanggap na tawag sa 911 ng Philippine National POlice (PNP) ay prank calls.

Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa press briefing sa Malakanyang, na sa kabila ng mga natatanggap na prank calls ay hindi sila makagawa ng hakbang para maparusahan ang mga may kagagawan nito.

Ayon pa kay Remulla, isa sa nakikita nilang problema kaya hindi mahabol at maparusahan ang mga gumagawa ng prank calls ay dahil sa hindi pa integrated ang national ID system sa telecommunications company.

Kaya sinasamantala rin aniya at naglipana ang POGO scam dahil hindi naging masyadong epektibo ang SIM Card Registration Act.

Dahil dito, kaya palalakasin aniya nila ngayong taon ang 911 integrated system sa buong PIlipinas sa pamamagitan ng pagbuhos ng pondong P500 milyon na tinanggal sa intelligence fund ng PNP.

“Yung savings na ‘yun ay ilalagay natin sa ­launching and bidding process ng Integrated 911 system para sa buong Pilipinas. So from intelligence fund to 911. It will be a fully audited system na under scrutinous bidding,” ayon pa kay Remulla.

DILG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with