^

Bansa

2 pang aspirante, inisyuhan ng TRO ng SC

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawa pang aspi­rante ang pinahintulutan ng ­Korte Suprema na makalahok sa 2025 National and Local Elections (NLE).

Nabatid na muling nagpalabas ang Supreme Court (SC) ng Temporary Restraining Order (TRO) upang hadlangan ang ginawang pagdis­kwalipika ng Commission on Elections (Comelec) sa senatorial candidate na si Francis Leo Marcos at Albay gubernatorial candidate Noel Rosal.

Ayon kay SC spokesperson Atty. Camille Ting, naglabas ang Mataas na Tribunal ng TRO laban sa mga resolusyon na ­inisyu ng poll body na nagsasaad na si Marcos ay isang nuisance candidate at pagbawi sa kanyang certificate of candidacy.

Naglabas din ang SC ng TRO upang hadlangan ang Comelec sa pagpapatupad ng resolusyon na nagkakansela sa COC ni Rosal.

“These TROs, they enjoin, or prevent the Comelec from implemen­ting the resolutions considering the candidates are either disqualified or a nuisance candidate, so that means they will have to be included in the ballot,” ani SC spokesperson Atty. Camille Ting.

Inatasan din naman ng SC ang poll body na maghain ng komento sa mga petisyon nina Marcos at Rosal sa loob ng limang araw.

Kaugnay nito, sinabi ng Comelec na tatalima sila sa direktiba ng SC kahit pa magresulta ito sa pagkaantala ng ballot printing.

Nagpahayag din ito ng kumpiyansa na sa kabila ng delay, matatapos nila ang ballot printing hanggang sa target nitong April 14.

SUPREME COURT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with