Pagtakbo sa 2028 elections ikinokonsidera ni VP Sara

Vice President Sara Duterte on June 19, 2024.
Photo courtesy of the Office of the Vice President

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Vice Pres. Sara Duterte na seryoso niyang ikinokonsidera ang pagtakbo sa 2028 national elections.

“We are seriously considering,” sagot ng bise presidente matapos na matanong ng isang OFW sa Japan hinggil sa posibilidad na tumakbo siya sa 2028 polls.

Nabatid na nagtungo si VP Sara sa Japan nitong weekend para sa isang private trip. Nakabalik na rin ito sa bansa kahapon.

“I really believe that our country will be great… mahirap siyang ipaintindi sa ating mga kababayan, mahirap ‘yung kailangan nating gawin kasi you really had to stand firm especially with government policies para maayos siya pero paniwala ko kung magkaisa lang ‘yung mga tao, alam natin kung saan tayo papunta, magagawa ng ating bayan,” dagdag niya.

Sa naturang pagbisita, binisita rin at kinausap ni VP Sara ang ilan sa mga grupo ng OFWs doon.

Hindi naman umano binanggit ng bise presidente kung ano ang posisyong pinag-aaralan niyang takbuhan sa 2028.

Matatandaang pinanawagan ng mga taga-suporta at kaalyado ni Duterte na tumakbo itong pangulo ng Pilipinas.

Samantala, balak umano ni dating presidential legal counsel Salvador Panelo na patakbuhin si Senador Robin Padilla bilang pangulo sa 2028 sakaling hindi tumakbo si Duterte.

Show comments