Tambay na Pinoy kumonti sa 1.66 milyon noong Nobyembre
MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa 1.66 milyon noong Nobyembre 2024.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, may edad 15-anyos pataas ang walang trabaho na mas mababa sa 1.97 milyong jobless Pinoy noong Oktubre 2024.
Mas mababa rin ito sa year-on-year sa 1.83 milyong Pinoy na walang trabaho noong Nobyembre 2023.
Tumaas naman ang employed persons sa 49.54 milyon noong Nobyembre 2024 kumpara sa 48.16 milyon noong Oktubre 2024 pero mas mababa ito sa 49.64 milyon na may trabaho noong Nobyembre 2023.
Ipinaliwanag ni Mapa, ang season hype ang dahilan ng pagbaba ng bilang ng mga Pinoy na walang trabaho.
Tumaas anya ang nabigyan ng trabaho sa accommodation at food service activities noong Nobyembre.
- Latest