^

Bansa

NDRRMC simot pondo sa rami ng kalamidad noong 2024

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa rami ng ­kalamidad na tumama sa bansa sa magkakasunod na bagyo nitong ­huling bahagi ng 2024, naubusan na ng pondo para sa disaster ­response ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Ito ang inamin ni NDRRMC Executive Director Undersecretary Ariel Nepomuceno matapos masimot ang pondo ng kanilang ahensiya.

“Ang NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and ­Management Council, ang budget po nyan noong 2024, P20 billion subalit nakita po natin naubos po talaga ‘yan. Lumampas po, gumamit na tayo ng presidential funds na karagdagan,” paliwanag ng opisyal.

“Iba na ho ang panahon ngayon. Sana po mas mataas ngayong (2025 ang budget) kasi alam naman nating kulang ang naging budget noong 2024,” ayon kay Nepomuceno. Ang Office of Civil Defense (OCD) ay isa sa 45 ahensya na nasa ilalim ng NDRRMC.

Ang Pilipinas ay sina­lanta ng magkakasunod na anim na malalakas na bagyo noong Oktubre hanggang ­Nobyembre 2024 kabilang ang mapa­minsalang bagyong Kristine kung saan lumubog sa baha ang lalawigan ng Albay at Camarines Sur sa Bicol Region.

Umabot naman sa 160 katao ang nasawi sa pinagsamang epekto ng Kristine at Leon habang nasa 9.6 milyong katao ang naapektuhan.

NDRRMC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with