DA, Pakistan palalakasin pa kalakalan sa agriculture products

Photos show farmers harvesting their plot of land in Rosario, La Union on October 4, 2024.
STAR / Andy Zapata

MANILA, Philippines — Kapit bisig ang Pilipinas at Pa­kistan para higit pang mapalakas ang kalakalan sa produktong agrikultura ng dalawang magkaibigang bansa.

Nakapaloob sa pagtutulungan ng dalawang bansa ang pagkakaroon ng pinal na kasunduan hinggil sa alokasyon ng Southeast Asian nations ng tinatayang isang milyong metriko tonelada ng bigas upang punan ang taunang  import requirement ng bansa na pangunahing pagkain.

Unang nakipagkita si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. kay Pakistani Ambassador to Manila Dr. Imtiaz Kazi noong December 16 upang tingnan ang mga pangunahing oportunidad ng kalakalan sa agrikultura.

Ang Pakistan ang  ikatlong pinakamalaking supplier ng bigas sa Pilipinas, bukod sa Vietnam at Thailand.

Ipinangako ng Pakistan ang isang milyong metriko tonelada ng bigas kada taon na kanilang isusuplay sa Pilipinas sa angkop na presyo na hudyat ng  strategic partnership na maaaring humubog ng rice import dynamics.

Inaasahan na sa June 2025 ay seselyuhan ng dalawang bansa ang partnership hinggil dito.

Show comments