^

Bansa

‘Generation Beta’ tawag sa isisilang sa 2025-2039

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
‘Generation Beta’ tawag sa isisilang sa 2025-2039
Lea Mae Razo, 27, gives birth to a baby girl on New Year’s Day at the Dr. Jose Fabella Memorial Hospital in Manila.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sa pagpasok ng Taong 2025 ay pormal na ring nagsimula ang isang bagong henerasyon na tinatawag na ‘Generation Beta.’

Ayon sa demographer at consultant na si Mark McCrindle, ang lahat ng sanggol na isisilang sa taong 2025 hanggang 2039, ay makakabilang sa bagong henerasyong ito.

Inaasahan aniyang sila ay mabubuhay hanggang sa ika-22 siglo at pagsapit ng kalagitnaan ng 2030s ay sila na ang bubuo sa 16% ng populasyon sa buong mundo.

Inaasahan ring ang Gen Beta ang bubuo sa 19% ng workforce ng buong mundo sa nasabing taon.

“Generation Beta represents the dawn of a new era,” ayon pa kay McCrindle, sa kanyang bagong blog post. “They will grow up in a world shaped by breakthroughs in technology, evolving social norms, and an increasing focus on sustainability and global citizenship.”

Aniya pa, ang mga Gen Beta ay magiging anak ng mga millennials at mas matandang miyembro ng Gen Z.

“Their formative years will be marked by a greater emphasis on personalisation — AI algorithms will tailor their learning, shopping, and social interactions in ways we can only begin to imagine today,” ani McCrindle.

Gayunman, inaasahang mahaharap umano ang Gen Beta sa “major societal challenges” sa kanilang buhay, gaya ng patuloy na epekto ng climate change, shifting ng global population at mabilis na urbanisasyon sa mas maraming bahagi ng mundo.

Matatandaang ang mga taong ipinanganak mula 1883-1900 ay tinawag na The Lost Generation; ang 1901-1927 The Greatest Generation; 1928-1945 The Silent Generation.

Ang mga dumating sa mundo mula 1946-1964 ay Baby Boomer Generation habang Generation X o “Baby Busters” ang 1965-1980.

Generation Y o Millennials ang 1981-1996; Generation Z 1997-2010 at Generation Alpha 2011-2024.

NEW BORN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with