^

Bansa

1 patay sa ‘Judas Belt’, 125 na sugatan sa paputok!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
1 patay sa ‘Judas Belt’, 125 na sugatan sa paputok!
Revellers watch as fireworks light up the sky ushering in the New Year at Rizal Park, in Manila on January 1, 2024.
AFP/Jamillah Sta. Rosa

MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na isang 78-anyos na lalaki ang nasawi habang nagakapagtala na ng kabuuang 125 firecracker-related injuries mula Disyembre 22 hanggang alas-6:00 ng umaga ng Dis. 28.

Nabatid nitong Sabado na mula sa Central Luzon ang biktimang hindi pinangalanan na ginamot pa sa ospital subalit minalas at idineklarang patay nitong Biyernes, Dis. 27.

Ang biktima ay nagsindi umano ng judas belt noong Dis. 22 na sanhi ng kaniyang kamatayan matapos ang ilang araw.

Paalala ng DOH, mag-ingat at umiwas na magpaputok dahil kahit mga legal na firecrackers ay may dalang matinding panganib.

Paalala pa ng DOH sa kanilang Facebook page, “?ANG PAGPAPAPUTOK AY NAKAMAMATAY?, kaya dapat isipin na huwag na lang magpaputok, lumayo sa mga nagpapaputok, Isumbong sa mga awtoridad ang mga nagpapaputok sa pampublikong lugar.

Sakaling masabugan, magtungo kaagad sa pinakamalapit na health center o tumawag sa 911 o 1555 para sa agarang lunas.

Sa datos mula sa 62 Sentinel Sites na minomonitor ng DOH para sa firecracker-related injuries, ang kabuuang 125 na biktima ay may 102 ang nasa 19 taong gulang at 23 naman ang 20-anyos pataas, kung saan 114 ang lalaki at 11 ang babae.

DEPARTMENT OF HEALTH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with