Rice retailers nagsimula nang magbaba ng presyo

Ang Kadiwa ng Pa­ngulo “Rice-for-All” prog­ram ay isang inisyatiba na inilunsad ng DA, mga lokal na dealer, importer, at mga wholesaler, na may suporta mula sa Philippine National Police (PNP).
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Nagsimula nang magbaba ng presyo ang mga retailer ng bigas matapos ang pagpapatupad ng Kadiwa ng Pangulo “Rice-for- All program sa buong Metro Manila.

Ang Kadiwa ng Pa­ngulo “Rice-for-All” prog­ram ay isang inisyatiba na inilunsad ng DA, mga lokal na dealer, importer, at mga wholesaler, na may suporta mula sa Philippine National Police (PNP).

Sinabi ng Presidential Communications Office (PCO) na tinitiyak ng programa ang maayos na distribusyon ng abot kayang bigas na may halagang P40 kada kilo at may 25 kilo na limit bawat tao.

Iginiit naman ng DA at iba pang mga stakeholder na nakatulong ang programa na pababain ang presyo ng bigas.

Ang bigas na binebenta ng Kadiwa at mga retailer nito ay mas mura ng P3-P5 kumpara sa mga binebenta sa merkado, na nagresulta sa pagtaas ng benta ng mga rolling store sa nakaraang operasyon.

Ayon pa sa DA, kasalukuyan nang binabaan ng mga retailer sa merkado ang kanilang mga presyo upang makipagsabayan sa mababang presyo na inaalok ng mga rolling store.

Hanggang ngayon, nakapag-distribute na ng 110 sako ng bigas sa EDSA Balintawak Market; limang sako sa New Marulas Public Market; at 32 sako sa Malabon Central Market.

Muling nagpatuloy ang Kadiwa ng Pangulo “Rice-for-All” program kahapon, Disyembre 27, sa ikapitong araw nito, na naglalayong makara­ting pa sa mas maraming pampublikong pamilihan bago ang pagdiriwang ng Bagong Taon.

Show comments