Mga kalansay nahukay…
MANILA, Philippines — Bumulaga sa mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kalansay ng mga tao sa Barangay Baluntay, Alabel, Sarangani Province sa mismong araw ng Pasko.
Ayon sa PNP-CIDG, nakatanggap sila ng tip na may mga salvage victims na inilibing sa lugar kaya agad na kumuha ng dokumento mula sa korte.
Agad na nagsagawa ng exhumation sa pinaniniwalaang burial site ang PNP-CIDG kasama ang mga forensic experts.Tumambad sa kanila ang mga kalansay ng tao sa nasabing lugar.
Sinabi ni CIDG chief Police Brigadier General Nicolas Torre III, na ayon sa saksing si “Dodong”, isa sa mga kalansay ay natukoy na si alyas “Jomar” ng Polomolok, South Cotabato, na tatlong buwan nang nawawala.
Sasaillalim naman sa kumpirmasyon ng forensic analysis ang mga natagpuang mga kalansay.