^

Bansa

2 MILF Kumander na sangkot sa Mamasapano massacre, guilty

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng Department of Justice (DOJ) na matapos ang pagpupursige sa halos isang dekada, nahatulan ng guilty ang dalawang kumander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) kaugnay sa pagpatay sa 35 miyembro ng Special Action Force (SAF) commandos sa Mamasapano, Maguindanao, noong 2015.

Sa desisyon ng Taguig City Regional Trial Court (RTC) Branch 153 noong Disyembre 16, 2024 sa  People of the Philippines vs. Abdul Wahab et. al., sa halip na Direct Assault with Murder, binigyan ng mas mababang sentensiya sina Abubakar Guiaman alyas Commander Refy at Mohammad Ali Tambako para sa 35 counts of Homicide.

Ang parusang ito ay nagpapataw ng 8 taon at isang araw ng prision mayor bilang pinakamababa, hanggang 14  taon, 8 buwan at isang araw ng Reclusion Temporal, bilang maximum para sa bawat bilang.

Noong Enero 25, 2015, pinasok ng Philippine National Police Special Action Force (PNP-SAF) ang Barangay Tukanalipao, Mamasapano para magsilbi ng mga warrant laban sa dalawang high-ranking bomb expert na may kaugnayan sa Jemaah Islamiyah: Zulkifli Abdhir (kilala rin bilang Marwan), at Abdul Basit Usman.

Nakipag-away sa kanila si Marwan at napatay at naging mitsa ng  gantihan ng putok sa pagitan  BIFF (Bangsa Moro Islamic Freedom Figh­ters) at MILF 118th Command sa lugar na ikinasawi ng 44 SAF, 18 MILF, at 5 BIFF.

DEPARTMENT OF JUSTICE

MILF

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with